Thoughts

90s…panahon ko to! ikaw ba??

… ang d makarelate d2 matanda na…

“Ito ang mga huling taon ng dekada ’80 at ang mga unang taon ng
dekada ’90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo
ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang
panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new
millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-
sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa
henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if
you’re one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask
Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng
Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas
singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa
superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang
champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Anjo
Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang
alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila lumalaban sa final
challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan
sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga
Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong
bigkasin ang “Kool 106, Kool 106” hanggang maubusan ka ng
hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-
Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik,
Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng
samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa
maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa
ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim)
at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit
Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may
dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang
kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe,
pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na
kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech
na yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga 1″x1.5″ na karton na may mga
drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wresler, si Hulk Hogan
at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate
Warrior nang buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang
mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps
na nakapagpamukha sa’yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice
Baby, Wiggle It, Pray at Can’t Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at
pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng
production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip
ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance
nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano,
Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The
Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at
ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig
ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second
generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig
ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo
ito. Tinawag rin itong “Mighty Kid”

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text,
jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang
dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you’re
girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung
anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie.
(Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni
Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi
sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang
mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon
shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers
a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa
cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng
maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh
nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro’y dahil wala
pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho
tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung
anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o
sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa
pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata
ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di
ba?”

13 thoughts on “90s…panahon ko to! ikaw ba??

  1. Pingback: alnddxujd
  2. Hi there! I simply would like to give a huge thumbs up for the great information you may have right here on this post. I will likely be coming again to your blog for extra soon.

  3. Aw, this was a really nice post. In concept I want to put in writing like this additionally – taking time and actual effort to make an excellent article… but what can I say… I procrastinate alot and under no circumstances appear to get one thing done.

  4. I have read some good stuff here. Definitely worth bookmarking for revisiting. I surprise how much effort you put to make such a magnificent informative site.

  5. Valuable info. Lucky me I found your website by accident, and I’m shocked why this accident didn’t happened earlier! I bookmarked it.

  6. Hello my friend! I want to say that this post is awesome, nice written and include almost all important infos. I would like to see more posts like this .

  7. Great beat ! I would like to apprentice while you amend your website, how could i subscribe for a blog website? The account aided me a acceptable deal. I had been tiny bit acquainted of this your broadcast provided bright clear concept

  8. Magnificent site. A lot of useful information here. I’m sending it to several friends ans also sharing in delicious. And naturally, thanks for your sweat!

  9. Hello There. I found your blog using msn. This is a really well written article. I will be sure to bookmark it and come back to read more of your useful information. Thanks for the post. I will definitely comeback.

  10. Excellent beat ! I wish to apprentice while you amend your website, how could i subscribe for a blog site? The account aided me a acceptable deal. I had been tiny bit acquainted of this your broadcast provided bright clear idea

  11. I’ve read several good stuff here. Certainly worth bookmarking for revisiting. I surprise how much effort you put to create such a fantastic informative site.

  12. Hello my friend! I want to say that this post is awesome, nice written and include approximately all vital infos. I’d like to see more posts like this .

  13. It’s really a great and helpful piece of information. I am glad that you shared this useful info with us. Please keep us informed like this. Thanks for sharing.

Comments are closed.