Thoughts

Love Banats

I really enjoyed today’s Top 10. Banat kung banat! Thanks Chico for posting it right away!

December 15, 2011 – The Top Ten Love Banat – Sent in by JRhyan

1. Kim – Inii-SMALL ka ba nila? Okay lang yan, tutal inii-BIG naman kita.
2. IamnotJohnlloyd – Diba sabi ni Peter Pan, when you think happy thoughts, you’ll fly? Eh ba’t pag naiisip kita…I fall?
3. IamnotJohnlloyd – Napaka-childish at immature mo! Siguro gusto mong gawin kitang BABY ko no?
4. Bluegrey – Wag mo nang itanong kung anong gusto ko…baka madulas pa ako at ikaw ang masabi ko.
5. ImTetay – Ayoko ng iPod, ayoko ng iPad, ang gusto ko…iLoveyou.
6. Stephensoul – Alam mo, mukha kang nanay…nanay ng magiging mga anak natin.
7. iamMafioso – Alam mo, para kang love song…kasi I LOVE YOU LIKE A LOVE SONG BEBI.
8. Camillo – Love is full of hurt, pain, & strife. But I’d rather be mortally wounded than not have you in my life.
9. Karynrage – Akala ko noon, dagat lang ang lumalalim. Pati din pala feelings ko sa ‘yo ganun din.
10. Bluegrey – Dalawa lang ang bisyo ko: paglalasing at pagsusugal. Ang malasing sa pagmamahal mo, at pagsusugal ng lahat para sa yo.
11. PAMELAwesome – Pag ako nag I LOVE YOU, tandaan mo, di ako matatahimik hanggang walang I LOVE YOU TOO.
12. Cust3rw1nst0n – Sabi nila, what you see is what you get. Eh paano ba yan, nakita na kita. Eh di akin ka na?
13. iMonde – Hindi kita BIBIRUIN, kasi SESERYOSOHIN kita.
14. Yontefian – Boy: “Kumusta na ang babaeng mahal na mahal ko kahit di ko girlfriend?” Girl: “Eto, mahal na mahal ka pa rin kahit di ka boyfriend.”
15. TheDuaneWay – Kailangan ko nang umuwi, kaya yakapin mo na ko. Kasi when I’m in your arms…I’m home.
16. LeviThirteen – Wag mo nang subukang basahin ang laman ng puso’t isipan ko…baka kasi magsawa ka lang sa pangalan mo.
17. Madmutt Mark – Para kang urinal, kasi kinikilig ako pag kaharap kita.
18. Karynrage – Siguro religious ka? Kasi I’m the answer to your prayers eh.
19. Blitzkrieg – Ang “KAIBIGAN” ay isang makahulugang salita. Sapagkat paano na ang “IBIGAN” kapag wala “KA”?
20. Neilyamato – Sawa na ko sa “IKAW NA!” Subukan naman natin yung “TAYO NA!”
21. RairaiWasHere – Sasaktan mo lang daw ako. Buti nalang masokista ako.
22. Butterbaby – Parang mali lahat ng road map, kasi every road leads back to you.
23. Neilyamato – Hindi mo naman kailangan pantayan ang pagmmahal na ibinibigay ko sa yo. Ang kailangan mo lang gawin, ay pahalagahan ito.
24. Wandering Eneri – MANI ka ba? Kasi PEANUTibok mo ang puso ko!
25. Yontefian – Anong oras at date ngayon? Para malaman ko yung exact moment na na-in love ako sa yo.
26. Paul Yang – Siguro teacher ka, kasi tinuruan mo ang puso kong umibig muli.
27. Vinsama – Di baleng walang abs, basta may labs.
28. Chad – Hindi ko alam kung kelan ang katapusan ng UNIVERSE, basta ang alam ko lang ay nagsisimula ito with U…N…I.
29. Neilyamato – I think we’re “A”, kasi we’re not meant to “B”.
30. Jayjay – ABCDEFGHIJKLMNOPQRST…VWXYZ. Damn it, I missed U!
31. Jerboi – Wala akong pakialam kung mataba ka, kasi I love you just the WEIGH you are.
32. Football Zombie – Keep all my clocks and watches, para nasa iyo na ang lahat ng oras ko.
33. Jam Sparks – Buti nalang linayo ang “X” sa keyboard, para magkatabi ang “U” & “I”.
34. ImTetay – Wala akong pakialam sa ibang planeta! Kasi ikaw lang ang mundo ko.
35. Yontefian – Anong bangko ba ang maganda? Kasi I’m saving all my love for you.
36. LeviThirteen and JRhyan – Ang lovelife ko parang ikaw…parang ikaw nalang ang kulang.
37. Mad Sison – Has gravity disappeared? Why can’t I make you fall for me?
38. Mad Sison – I love the MENU, because it’s ME…N…U.
39. JRhyan – Sa mga nagtatanong kung kami pa…hindi na…hindi na kami maghihiwalay.
40. Football Zombie – Girl: “Kung papayagan kitang halikan ako, saan mo ko hahalikan? Boy: “Sa simbahan.”
41. James Reginald – Dadaan pa ba ko sa bahay niyo, o dederetso na ko sa puso mo?
42. Bearcat – Siguro si SANTA ka, kasi SANTAon na kitang nililigawan di mo pa rin ako sinasagot.
43. Bearcat – Tinapon ko na yung mga relo ko, kasi TIME STANDS STILL whenever I’m with you.
44. Bearcat – Ang mahalin ka, parang pangongopya ng exam…bawal, pero ginagawa ko.
45. DJ Chibiyuki – Kung mahal mo ko, sabihin mo na…baka pag inunahan kita, kiligin ka pa.
46. JRhyan – Girl: “Kumusta na buhay mo?” Boy: “Kumusta ka ba? Ikaw ang buhay ko eh.”
47. Oh Gerald – PEDICAB ka ba? PEDICAB-ang maging girlfriend ko?
48. Nixeeguerrero – Girl: “Masarap ka bang magmahal?” Boy: “Hindi mo malalaman hangga’t hindi mo tinitikman.”
49. Oh Gerald – Hi, I’m TOBY. I think we’re meant TOBY.
50. Oh Gerald – Hi, I’m UMA. UMA-asang mamahalin mo rin ako.
51. Oh Gerald – Sa exam, pag di mo alam sagot sa tanong, ilagay mo lang, “PAG-IBIG”. Kasi, kahit kailan, hindi magiging mali ang PAG-IBIG.
52. Kent – On a scale of one to ten, you are nine. And I’m the one you need.
53. Jane Rush – Sawa ka na ba sa buhay mo? Ba’t hindi mo subukan ang buhay na kasama ako?
54. PAMELAwesome – CRUSH na sana kita, eh ngumiti ka! Ayan tuloy…MAHAL na kita.
55. Binatang Daddy – Boy: “Huli ka!” Girl: “Hindi ka naman pulis ah!” Boy: “Alam ko, pero hindi din kita pakakawalan.”
56. Oh Gerald – Ako ang MAMA mo, MAMA-halin ka panghabang-buhay. Pero sana hindi ikaw ang PAPA ko, at PAPA-asahin mo lang ang puso ko.
57. Ralph GD – Gino: “Puwede ba kitang sundan?” Chico: “Bakit mo ko susundan?” Gino: “Sabi kasi ng mommy ko, follow your dreams.”

Source: Strange Fruit Chico Garcia

2 thoughts on “Love Banats

Comments are closed.